AWIT 56:3-4

       AWIT 56:3-4

3 Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila;

sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala.

4 Pangako niyang binitiwa'y pinupuri ko nang lubos,

tanging sa iyo, umaasa't nananalig ako, O Diyos;

sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.


Purihin ang Panginoon sa Kanyang salita.


Tayo po ay nakakaranas ng iba't ibang bagyo o pagsubok sa buhay. Marahil ang mga ito'y nagiging sanhi ng kawalan ng pag-asa upang mabuhay. At may tendency po na tayo ay makaramdam ng takot o pangamba even magkaroon ng takot sa mga tao at sa anumang sitwasyon na kakaharapin.

Sa awit na ating binasa, ito po ang panalangin ni Haring David noong siya ay humarap sa kanyang mga kaaway. At alam po natin ang katayuan ni David. Sabi po rito, hindi na tayo makikibaka sa takot. Pero, hindi ibig sabihin na tayo bilang mananampalataya ay hindi na po tayo makakaramdam ng takot o pangamba. Fears strikes and the battles begin. Kahit tayo na mga Kristiyano na, hindi po tayo exempted even from the worst of things.

Maaaring may mga kapatiran tayo na nangangailangan ng saklolo. May mga kapatiran po tayo na nangangailangan po ng tulong o comfort sa mga panahong ito. Sa mga pagkakataon na nakakaranas man tayo sa ganyang sitwasyon, all we can do is surrendered to God and call-out in His Name. Dumulog sa Panginoon, humingi ng tulong sa kanya.

Sa Awit 56:3 nakasaad, Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila; sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala. Ipinaparating sa atin kung paano tayo lumaban when the fear and anxieties strikes. Takot man o hindi? Whenever I am afraid, I put my trust in You.

Sa verse 4 naman nakasaad, Pangako niyang binitiwa'y pinupuri ko nang lubos, tanging sa iyo, umaasa't nananalig ako, O Diyos; sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.

Si David ay may kamangha-manghang pakikipagharap sa kaaway. Alam po ni David ang kailangan nyang gawin. At tanging sa Diyos niya masusumpungan ang lahat gaya ng nakasaad sa Juan 15:5, “Ako nga ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin. Ang maipahayag ang kanyang pagtitiwala sa Diyos sa kabila ng kanyang takot. Siya ay sigurado sa biyaya ng Panginoon kung siya ay dedepende at magtitiwala. Alam natin ang katotohanan na may pag-asa tayo at makakadulog sa Diyos na siyang may control sa lahat ng bagay. Ang Diyos po natin ang may hawak ng lahat. Sa kabila ng pagdedeklara patungkol sa pagtitiwala sa Diyos, si David ay namahinga sa mga pangako ng Panginoon. Tapat ang pangako ng Panginoon kung kaya ito ang nagbigay sa kanya ng pag-asa at pagtitiwala. Ito po ay base sa Character ng Panginoon, at sa kanyang mga pangako.

Ano po ang ginawa ni David? Binalikan nya po ang Salita ng Panginoon. Ang mga pangako sa kanya ng Panginoon. Dito po siya humugot ng kalakasan, ng kanya pong pagtitiwala sa Panginoon. At sa araw na ito as we gather and worship God, ipahayag natin kung sino Siya. Siya ang Diyos at tanging Diyos. Ang Diyos na siyang may hawak ng ulan, ng bagyo, ng hangin pati mga buhay natin. At sa kanyang mga kamay He controls even the strongest storm that we can ever know. Siya ang Diyos na hindi nagbabago, at walang katulad. Siya ang Diyos na ating Sandigan, Siya ang nagbibigay aliw sa atin, Siya ang tanging pag-asa natin. Siya ang Diyos na nagpprotekta sa atin at tiyak na aayos ang lahat. Sa lahat ng ito ay maipahayag natin, ang Kaluwalhatian ng Panginoon. To Glorify His Name. Bagamat, meron po tayong pinagdadaanan, alam po natin ang ating takbuhan. Siya po ang Diyos na may hawak ng lahat. Ang Diyos na magbabalik ng mga bagay-bagay sa normal na katayuan ng ating mga buhay. Amen?

Kaya, sa atin pong pag-awit, pananalangin atin pong buhayin sa ating mga sarili, sa atin pong mga puso kung Sino ang Diyos natin. He is our Sovereign God. Amen? At wala sinuman ang makakapantay o makakahigit sa ating Diyos. Amen?

Kung kaya, mga kapatid, tayo po ay tumayo at awitan ang Panginoon. Sa kanya natin ibalik ang lahat ng papuri,pagsamba at pasasalamat. 🙏 🥰🥰 


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pagtitiwala sa Panginoon sa Oras ng Paghihirap

Thank you Lord for your faithfulness 🙏☺️😘

Magtiwala sa Pag-iiingat ng Diyos