Pagtitiwala sa Panginoon sa Oras ng Paghihirap

A
AWIT 130

Panginoon, sa aking paghihirap ako'y tumawag sa inyo.
Dinggin N'yo po ang aking pagsusumamo.
Kung inililista N'yo ang aming kasalanan, sino kaya sa amin ang maiiwang nakatayo?
Ngunit pinapatawad N'yo kami, upang kami at matutong matakot sa inyo.
Panginoon, ako'y naghihintay sa inyo, at umaasa sa inyong mga salita.
Ako'y naghihintay sa inyo ng higit pa sa paghihintay ng tagapagbantay na dumating ang umaga.
Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa Panginoon, dahil siya'y maibigin at laging handang magligtas.
Ililigtas Niya ang mga taga-Israel sa lahat ng kanyang mga kasalanan.

     Purihin natin ang Panginoon sa Kanyang salita.

    Sa ating pagdalo tuwing lingguhang pananambahan, nagkakaroon ba tayo ng pananabik sa Diyos? Nais ba nating maranasan ang presensya ng Panginoon at muling manabik sa kanya? O kaya dumadalo lamang tayo dahil sa gusto lang natin?
       Makikita sa Awit na ating binasa ang pagtitiwala at pananabik ng Psalmista sa Diyos sabay ang kanyang pag-alala sa grasya at kabutihan ng Panginoon.
        Sa verses 1-2 ipinapakita sa atin na ang Psalmista ay tila dumaranas ng pagsubok, kung kaya siya ay tumawag at nanalangin sa Panginoon. Dahil nakatitiyak tayo na pinapakinggan Niya ang dalangin ng kanyang mga anak, sa Kanya lamang natin masusumpungan ang kapahingahan na nakasaad sa Mateo 11:28 "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin at bibigyan ko kayo ng kapahingahan." Gaya rin ni David sa kanyang panalangin na may kalakip na pananampalataya na nakasaad naman sa verse 2, na sabi'y Panginoon, dinggin N'yo po ang aking pagsusumamo ang aking daing at panalangin nawa'y inyong pakinggan.
        Tinuturuan tayo rito na magpakumbaba sa paanan ng Diyos; Ang aminin na tayo ay nagkakasala, kaya't higit tayong mamangha sa pagtitiis at pag-ibig ng Panginoon sa atin. Maging sa kabila ng ating pagkakasala, Siya ay handa pa ring magpatawad.
       Gaya ng nakasaad sa verses 3-4, walang hanggang kaparusahan ang nararapat sa ating mga makasalanan at walang sinuman sa atin ang makakaligtas rito, kung hindi tayo dedepende at magtitiwala sa Panginoon. Ang tayo ay mamuhay ng naaayon sa kanyang kalooban at matakot sa Panginoon, na sinasabi sa verse 4, "Ngunit pinatawad N'yo kami upang matutong matakot sa inyo. At mapalad ang taong may takot sa Panginoon, na namumuhay sa kanyang pamamaraan na nakasaad naman sa Awit 128:1.
      Ipinaparating naman sa atin ng verses 5-6 na maghintay sa Panginoon. Sa kabila ng paghihirap, ipinahayag ng Psalmista ang masidhi at pananabik sa Diyos na may pag-asa na nagmumula sa Kanya.
       Sa verses 7-8, ipinapahayag rito ang tungkol sa pag-asa ng Psalmista sa Panginoon kung kaya hinihimok ang bawat isa sa atin na managhoy sa ating mga kasalanan at ipahayag ang pag-asang natamo o natamasa  sa Panginoon. Ituon  ang tiwala at umasa sa Panginoon dahil Siya'y maibigin at laging handang magpatawad. Siya ay tapat sa kanyang mga pangako.
      Mga kapatid, purihin natin ang Panginoon at patuloy na manalangin lalo sa mga naghahanap na mapanumbalik ang relasyon sa Panginoon sa kabila man ng pagsubok. Alam nating Siya ay mayaman sa grasya at awa.
       Tayo bilang Kristiyano, alalahanin natin si Hesu Kristo, na Siyang ating kaligtasan; dahil tanging Siya lamang ang nakapagpapalaya sa pagkaalipin natin sa kasalanan. Si Hesus lamang ang may kakayahang magpalaya ng tao mula sa kadiliman.(Col.1:13) Si Hesus ang nagpapalaya sa atin mula sa kamunduhan.(Gal.1:4) Tayo ay naligtas at pinalaya ni Hesus sa pamamagitan ng kanyang pagkamatay sa Krus para sa ating mga kasalanan. Inako ni Hesus ang kaparusahang dapat sana ay para sa atin. At pinawi Niya ang poot ng Diyos laban sa atin. Kung kaya ito ay nagbibigay sa atin ng pag-asa na tayo ay pakikinggan ng Panginoon sa ating mga daing na mapatawad. Gaya ng nakasaad sa 1Juan 1:9, "Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin Niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid Siya."
       Katulad ni Pablo na nagpapaalala sa atin na nakasaad sa Colosas 1:13-14, "Iniligtas Niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng minamahal niyang Anak. At sa pamamagitan ng kanyang Anak, tinubos Niya tayo.
      Kung kaya't tayo ay umawit, magpuri, magalak at magpasalamat kay Hesu Kristo na ating Panginoon at tagapagaligtas. Ang magpasalamat sa pananampalatayang ibinigay sa atin upang lubos tayong magtiwala sa kanya sa lahat ng oras, sa anumang sitwasyong kinakaharap natin. Purihin natin ang Panginoon.
Sa Diyos lamang ang pinakamataas na papuri at pagsamba.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Thank you Lord for your faithfulness πŸ™☺️😘

Magtiwala sa Pag-iiingat ng Diyos