Magtiwala sa Pag-iiingat ng Diyos
Tayo ay nakakaranas ng mga pagsubok sa buhay at ang mga pagsubok
na ito ay hindi natin inaasahan. Dumarating din sa punto na tayo ay halos
mawalan na ng pag-asa at hindi alam kung kanino aasa. Katulad ngayon uso ang social
media gaya ng facebook, may mga tao na nagpapaskil sa kanilang status patungkol
sa mga dinaranas na pagsubok sa buhay mailabas lang pati sama ng loob.
Subalit gaya ng Psalmista sa Awit na ating binasa ipinaparating sa
atin na tayo ay magtiwala sa pag-iingat ng Panginoon.
Sa verses 1-2 nakasaad na Imbes na simulan sa pagcocomplain,
minabuti ng Psalmista na magkaroon ng pagtitiwala sa pag-iingat ng Panginoon.
Habang siya ay sinasalakay ng mga kaaway siya ay namahinga sa kanyang relasyon
sa Panginoon. Alam niya na ang solusyon sa kanyang paghihirap ay nagmumula sa
Panginoon na kanlungan at kaligtasan.
___
Sa oras ng kahirapan o pagsubok na ating nararanasan tayo ay may kasiguraduhan
at tayo ay makakaasa sa Panginoon. Alam natin na ang solusyon ay sa Panginoon
natin matatagpuan. Ang Pangonoon ang ating kanlungan at kaligtasan.
Sa verses 3-4 naman, ang Psalmista ay nagrereklamo at natanong sa Panginoon- Hanggang kailan?
Dito makikita natin napakatagal ang dinanas na sakit ng Psalmista, subalit
naniniwala siya na ang Panginoon ay sapat na kanyang buhay.
Sa mga pagsubok na
napagdadaanan natin tayo nagrereklamo at nagtatanong sa Panginoon- Hanggang
kailan? Hanggang kailan Panginoon ang paghihirap na ito? Tayo ay dumarating sa
punto na halos mawalan na ng pag-asa at nanghihina sa pananampalataya.
Sa verses 5-8 naman ipinapakita rito na ang Panginoon ang
kanlungan at kaligtasan. Sa kabila ng pagsalakay ng mga kaaway, iginiit sa
sarili ng Psalmista na magkaroon ng kapahingahan sa Panginoon. Katulad ng
nakasaad sa verse 1, tinanggap niya na sa Panginoon lamang siya makakaasa,
kahit papaano masasabi niya na ang Panginoon ang kanyang kanlungan at kaligtasan. Ilang beses
niya itong inulit at iginiit sa unang talata. Tayo bilang kongregasyon,
ipinaparating sa atin ng awit na to na sa lahat ng oras ituon natin ang
pagtitiwala sa kakayahan ng Panginoon. Sabihin sa kanya ang lahat ng suliranin
natin, dahil siya ang nag-iingat sa atin.
Sa
verses 9-10 naman sinasabi rito na ang Panginoon ang ating tagapag-ingat hindi
katulad ng mga tao dakila man o mangmang
ay hindi mapagkakatiwalaan. Ipinaparating sa atin na huwag tayong umasa sa
kayamanan bagkus sa Panginooon tayo umasa. Gaya ng nakasaad sa Kawikaan 11:4 “Ang
kayamanan ay hindi makatutulong sa araw ng paghahatol, ngunit ang katuwiran ay
maglilgtas sa iyo sa kamatayan. At verse 18 “Kabutihang natatamo ng masamang
tao’y hindi magtatagal, ngunit ang matuwid ay may gantimpalaan ng walang
hanggan.” Huwang tayong umasa sa anumang kayamanang
meron tayo dito sa mundo dahil ang lahat ng ito ay pansamantala lamang, ngunit ang kaloob ng Panginoon sa atin ay
walang hanggan.
Sa verses 11-12 nangusap ang
Panginoon sa Psalmista patungkol sa
katotohanan sa Panginoon. Una, ang Panginoon ay makapangyarihan at tapat ang
kanyang pag-ibig. At hindi niya ipahihintulot na ang kanyang mga lingkod ay
magdusa o maghirap sa kamay ng mga kaaway. Pangalawa, Tiyak na gagantimpalaan
ng Panginoon ang mga tao ayon sa kanilang mga gawa kung kaya ang Psalmista ay
ligtas at ang kanyang mga kaaway ay parurusahan.
Mga
kapatid, purihin natin ang Panginoon at lagi nating sasambahin sapagkat siya ay
makatuwiran sa paghatol. Naisin natin na
unahin at ipagpatuloy na lumapit sa Panginoon at laging alalahanin na tanging
si Hesus lamang ang ating Panginoon at tagapagligtas. Kung kaya tayo ay magalak
at makontento sa kaligtasang ipinagkaloob sa atin ng Panginoon ang buhay na
walang hanggan at huwag umasa sa kayamanan dito sa lupa dahil pansamantala
lamang ang lahat ng ito. Sa Panginoon lamang tayo makakapagtiwala at siya
lamang an gang ating kanlungan at maasahan.
Kung kaya, tayo po ay tumayo,
magalak, magpuri, at umawit para sa Panginoon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento