ANG DIYOS ANG MAY HAWAK AT MAY KAALAMAN NG LAHAT (ROMANS 9:15-16)

"Sapagkat ganito ang sinabi niya kay Moises, Mahahabag ako sa nais kong kahabagan at maaawa ako sa nais kong kaawaan."

Purihin ang Panginoon sa Kanyang salita.

     Maliwanag kung gayon, na ang pasya ng Diyos ay nababatay sa Kanyang habag at hindi sa kagustuhan o pagsisikap ng tao.

Dito makikita po natin na ang Diyos ang may hawak at may kaalaman ng lahat. It is God's Sovereignty, right? Ano man po ang Kanyang gawin, as Creator of all things dear brethren, the most High God, the Eternal God, the God whose Creator of everything exist outside of time. He sees from the very beginning, all the way through the end. He knows every detail of every event. Our God, Sovereign God perceives every thought and intentions of the heart. Nothing is outside of His awareness. Kaya nga po Omniscient, All-Knowing ang ating Panginoon. Wala pong nangyayari na labas sa Kanyang kaalaman, at wala pong mangyayari na hindi po Niya alam. Ang lahat po ay ayon sa plano at kaalaman ng Diyos.

     What a sharp contrast to our limited human perspective di ba po? We say, what we see and guess what is going on a person's heart. Hinuhulaan nga lang po natin kung minsan di ba po?

     Tayo po, kapag kung ano lang yong nakikita natin, doon lang tayo nagcoconclude di ba po? Kung ano ang nakikita natin, doon tayo nanghuhula sa totoo lang? If there's a bad blab with the person, we probably read the worst into his/her actions and words. And, if you have a good relationships, we may read the best into what he/she says and does. So, ganun lang po tayo, Tao. Now, what is the point? The point is, we don't know people's hearts and perhaps our brethren. That limited view is why someone commented that we will probably be surprised by some of the people we see in heaven, and by some of the folks we don't. Yung mga hindi natin eneexpect kung minsan, baka makita po natin. At yung inaasahan nating makikita natin sa langit, baka hindi po natin makita, di ba po? Brethren, only God knows our human hearts. None of us deserves grace, but our gracious God will never less to grant mercy and compassion to many. Sino pong makakapagsabi po sa atin rito na tayo po talaga ay karapat-dapat tumanggap ng grasya na 'to na binigay ng Panginoon? Wala po di ba? And nevertheless, God grants us the grace, something that we don't deserve. It's because of His great mercy upon us. Brethren, He acts in the world according to the intimate knowledge of each of us. Yun po ang pagmamahal ng Panginoon sa atin. Kaya karapat-dapat lamang talaga Siyang makatanggap ng isang mataas at walang kapantay na papuri at pagsamba. Amen? Amen po ba? Praise God! Ganun po kalawak, ganun po kalaki ang pagmamahal sa atin ng Panginoon. Alam po Niya sa umpisa, sa umpisa pa lamang kung sino po tayo. Alam po Niya sa umpisa lamang kung sino po sa atin ang balang-araw ay tatanggap sa Kanyang kaligtasan. Alam po Niya sa umpisa, sa umpisa po lamang kung sino sa atin ang tunay na tatalikod sa Kanya. Ngunit, ibinigay po Niya sa atin ang kanyang bugtong na anak na si HesuKristo, upang mamatay sa krus ng kalbaryo, upang tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan, gaya ng nakasaad sa John 3:16, "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya't ibinigay nya ang Kanyang kaisa-isang anak upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."Ganyan po ang pagmamahal sa atin ng Panginoon.

     Brethren, ang Kanya pong mga gawaing ito, is because our God is Sovereign. And no one can question the Sovereignty of God. Amen? Wala pong makakatanong, wala pong makakapagbigay ng anuman pag-aalinlangan sa atin pagdating sa Sovereignty ng Panginoon. Bakit? Dahil Siya ay Diyos. Siya ang Diyos na lumikha sa lahat ng bagay. He knows everything, He controls everything, and He deserves only the highest worship from His people. Amen? Hallelujah! He is God, and we are not. We are just creation. Amen?

     Kaya, mga kapatid tayo pong lahat ay tumayo at atin pong bigyan ng mataas na papuri, pagsamba at pasasalamat ang ating Diyos na banal. Ang Diyos na Dakila sa lahat. Ang Diyos na karapat-dapat lamang na tumanggap ng isang napakataas na pagsamba. Kaya, awitan at purihin natin ang ating Panginoon.


All glory, honor, praises and thanksgiving belongs to God alone 🙏🏻 🥰 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pagtitiwala sa Panginoon sa Oras ng Paghihirap

Ang Panginoon ang Aking Tagapag-ingat