Paghihintay sa Panginoon - Awit 130

 AWIT/PSALM 130


1 Panginoon, sa aking paghihirap ako'y tumawag sa inyo.

2 Dinggin N'yo po ang aking pagsusumamo.

3 Kung inililista N'yo ang aming kasalanan, sino kaya sa amin ang maiiwang nakatayo?

4 Ngunit pinapatawad N'yo kami, upang kami ay matutong matakot sa inyo.

5 Panginoon, ako'y naghihintay sa inyo, at umaasa sa inyong mga salita.

6 Ako'y naghihintay sa inyo ng higit pa sa paghihintay ng tagapagbantay na dumating ang umaga.

7 Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa Panginoon, dahil siya'y maibigin at laging handang magligtas.

8 Ililigtas Niya ang mga taga-Israel sa lahat ng kanyang mga kasalanan.


Purihin ang Panginoon sa Kanyang salita.


Ang salmo na ating binasa, ay nagpapakita sa atin ng tatlong bagay tungkol sa paghihintay sa Panginoon. 1) Umiiyak sa Panginoon para sa awa. 2) Maghintay para sa Panginoon nang may pag-asa. At 3) Ilagay ang ating pag-asa sa Panginoon.

      Sa verses 1-2 ipinapakita sa atin na ang Psalmista ay tila dumaranas ng pagsubok, kung kaya siya ay tumawag at nanalangin sa Panginoon. At siya ay may katiyakan na pinapakinggan ang kanyang mga dalangin. Alam niya na tanging sa Diyos niya masusumpungan ang kapahingahan na nakasaad sa Mateo 11:28 "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin at bibigyan ko kayo ng kapahingahan." 

     Sa verses 3-4 naman, walang sinuman sa atin ang makakatayo sa harap ng Diyos kung itinatala o inililista Niya ang ating mga kasalanan. Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos na nakasaad sa Roma 3:23. Ngunit dahil sa pag-ibig ng Diyos sa atin ibinigay Niya ang kanyang bugtong na anak na si Hesu Kristo, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. (Juan 3:16)

     Tinuturuan tayo rito na magpakumbaba sa paanan ng Diyos; ang aminin na tayo ay nagkakasala, kaya't higit tayong mamangha sa  pag-ibig at katapatan ng Panginoon sa ating buhay. Maging sa kabila ng ating pagkakasala, siya ay handa pa ring magpatawad. Siya ay mayaman sa grasya at awa.

      Ipinaparating naman sa atin ng verses 5-6 na maghintay sa Panginoon. Sa kabila ng mga pagsubok na ating nararanasan gaya ng pandemya tayo po ay magtiwala at maghintay sa mga pangako ng Panginoon sa atin. Tayo po ay magkaroon ng masidhing pananabik sa presensya ng Diyos, nang may kagalakan  at puno ng pag-asa. 

     At sa verses 7-8, ipinapahayag rito ang tungkol sa pag-asa ng Psalmista sa Panginoon. Ituon po natin ang ating tiwala, pananampataya at umasa sa Panginoon dahil Siya'y maibigin at laging handang magpatawad. Siya ay tapat sa kanyang mga pangako. Tayo rin po ay magalak dahil sa ating pag-asa, mag tiyaga sa ating mga nararanasang pagsubok at palaging manalangin.  Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbigay sa atin ng isang buhΓ‘y na pag-asa na magmamana tayo ng kayamanang di masisira, walang kapintasan, at di kukupas na inihanda ng Diyos sa langit para sa atin. Sa pamamagitan ng ating pananampalataya, iniingatan tayo ng kapangyarihan ng Diyos habang hinihintay natin ang kaligtasang nakahandang ihayag sa katapusan ng panahon. 1 Peter 1:3-5.

    Kung kaya't ang nararapat na tugon natin ay umawit, magpuri, magalak at magpasalamat kay Hesu Kristo na ating Panginoon at tagapagaligtas. Ang magpasalamat sa kaligtasang ibinigay sa atin at lubos tayong magtiwala sa kanya sa lahat ng oras, sa anumang sitwasyong kinakaharap natin. So, tayo pong lahat ay manalangin at patuloy na magbigay papuri para sa Panginoon.  πŸ™ 😊 😘 πŸ₯° 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pagtitiwala sa Panginoon sa Oras ng Paghihirap

Thank you Lord for your faithfulness πŸ™☺️😘

Magtiwala sa Pag-iiingat ng Diyos