AWIT 56:3-4
AWIT 56:3-4 3 Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila; sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala. 4 Pangako niyang binitiwa'y pinupuri ko nang lubos, tanging sa iyo, umaasa't nananalig ako, O Diyos; sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot. Purihin ang Panginoon sa Kanyang salita. Tayo po ay nakakaranas ng iba't ibang bagyo o pagsubok sa buhay. Marahil ang mga ito'y nagiging sanhi ng kawalan ng pag-asa upang mabuhay. At may tendency po na tayo ay makaramdam ng takot o pangamba even magkaroon ng takot sa mga tao at sa anumang sitwasyon na kakaharapin. Sa awit na ating binasa, ito po ang panalangin ni Haring David noong siya ay humarap sa kanyang mga kaaway. At alam po natin ang katayuan ni David. Sabi po rito, hindi na tayo makikibaka sa takot. Pero, hindi ibig sabihin na tayo bilang mananampalataya ay hindi na po tayo makakaramdam ng takot o pangamba. Fears strikes and the battles begin. Kahit tayo na mga Kristiyano na, hindi po tayo exempted even f