Pagtitiwala sa Panginoon sa Oras ng Paghihirap
A AWIT 130 Panginoon, sa aking paghihirap ako'y tumawag sa inyo. Dinggin N'yo po ang aking pagsusumamo. Kung inililista N'yo ang aming kasalanan, sino kaya sa amin ang maiiwang nakatayo? Ngunit pinapatawad N'yo kami, upang kami at matutong matakot sa inyo. Panginoon, ako'y naghihintay sa inyo, at umaasa sa inyong mga salita. Ako'y naghihintay sa inyo ng higit pa sa paghihintay ng tagapagbantay na dumating ang umaga. Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa Panginoon, dahil siya'y maibigin at laging handang magligtas. Ililigtas Niya ang mga taga-Israel sa lahat ng kanyang mga kasalanan. Purihin natin ang Panginoon sa Kanyang salita. Sa ating pagdalo tuwing lingguhang pananambahan, nagkakaroon ba tayo ng pananabik sa Diyos? Nais ba nating maranasan ang presensya ng Panginoon at muling manabik sa kanya? O kaya dumadalo lamang tayo dahil sa gusto lang natin? Makikita sa Awit na ating bin...