Pagpupuri ng Psalmista sa Kabutihan ng Diyos (Awit 34:1-10)
Awit 34 1 Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin; pagpupuri ko sa kanya'y hindi ko papatigilin. 2 Aking pupurihin kanyang mga gawa, kayong naaapi, makinig, matuwa! 3 Ang kadakilaan niya ay ihayag, at ang ngalan niya'y purihin ng lahat! 4 Ang aking dalangi'y dininig ng Diyos, inalis niya sa akin ang lahat kong takot. 5 Nagalak ang aping umasa sa kanya, pagkat di nabigo ang pag-asa nila. 6 Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila'y iniligtas sa hirap at dusa. 7 Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila'y kinukupkop. 8 Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya. 9 Matakot kay Yahweh, kayo na kanyang bayan, nang makamtan ninyo ang lahat ng bagay. 10 Kahit mga leon ay nagugutom din, sila'y nagkukulang sa hustong pagkain; ...