Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2021

Pagpupuri ng Psalmista sa Kabutihan ng Diyos (Awit 34:1-10)

  Awit 34   1 Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin; pagpupuri ko sa kanya'y hindi ko papatigilin. 2 Aking pupurihin kanyang mga gawa,     kayong naaapi, makinig, matuwa! 3 Ang kadakilaan niya ay ihayag,     at ang ngalan niya'y purihin ng lahat! 4 Ang aking dalangi'y dininig ng Diyos,     inalis niya sa akin ang lahat kong takot. 5 Nagalak ang aping umasa sa kanya,     pagkat di nabigo ang pag-asa nila. 6 Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,     sila'y iniligtas sa hirap at dusa. 7 Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos,     sa mga panganib, sila'y kinukupkop. 8 Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh;     mapalad ang mga taong nananalig sa kanya. 9 Matakot kay Yahweh, kayo na kanyang bayan,     nang makamtan ninyo ang lahat ng bagay. 10 Kahit mga leon ay nagugutom din, sila'y nagkukulang sa hustong pagkain;     ngunit ang sinumang kay Yahweh ay sumunod, mabubuting bagay, sa kanya'y di mauudlot. Purihin ang Panginoon sa kanyan